Bagong eTravel platform para sa mga biyaherong papasok sa bansa, epektibo na ngayong araw

Epektibo nang ipatutupad ngayong araw ang eTravel platform ng pamahalaan para sa mga biyaherong papasok sa bansa.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapaluwag ng proseso sa pangongolekta ng mga datos ng mga pasahero.

Lahat ng mga biyahero ay obligadong magbigay ng arrival information at health declaration sa pamamagitan ng eTravel portal ng Department of Health – Bureau of Quarantine (DOH-BOQ).


Makikita rito ang electronic version ng paper Arrival Card ng mga biyahero na isusumite nila pagdating ng bansa para sa immigration clearance.

Nagbabala naman ang pamahalaan sa publiko na huwag makipagtransaksyon sa sinumang nanghihingi ng bayad o fees na may kaugnayan sa eTravel.

Facebook Comments