Manila, Philippines – Maaring nang isalin sa wikang Pilipino ng Facebook messenger users ang mga chat o conversations nito.
Ayon sa Facebook – isa ang Filipino sa limang wikang maaring i-translate sa messenger, kabilang ang English, Spanish, French at Portuguese.
Ang sistema na ito ay tatawaging ‘m translations’, na magiging available sa mga gumagamit ng messenger app sa Estados Unidos, Mexico, France, Spain, Brazil at Philippines.
Sa ilalim nito, ang message translations ay automated sa pamamagitan ng sariling translation engine ng Facebook base sa neural machine translation technology.
Para magamit ng bagong feature ng FB messenger, kailangang i-update ang app.
Facebook Comments