BAGONG FIRE STATION NG DAGUPAN CITY, NAKATAKDA NANG UMPISAHAN

Nakatakda nang umpisahan ang bagong fire station ng Dagupan City matapos ang naganap na signing of Deed of Usufruct sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at Bureau of Fire Protection (BFP) Region 1 ngayong araw.
Matatandaan na nauna itong tinalakay sa isang regular session sa Sangguniang Panlungsod upang mapag-usapan ang mga isyung nakapaloob dito tulad ng pagkakaroon ng mga kinakailangang papeles upang maumpisahan ang nasabing proyekto.
Inaasahan ang isang ang 689 square meter fire station na itatayo partikular sa barangay Mayombo kung nasaan din nakatayo ang kasalukuyang fires station ng lungsod.

Layunin nitong mas mapalawig pa ang serbisyo pagdating ng mga fire situation at emergencies, rescue operations maging medical assistance sa mga nangangailangang Dagupeno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments