Nagsimula nang manungkulan bilang bagong Flag Officer-in-Command (OIC) ng Philippine Navy si Rear Admiral Toribio Adaci Jr.
Pinalitan nito si Rear Admiral Caesar Bernard Valencia na pansamantalang umupo sa pwesto matapos na mag-retiro sa serbisyo si Vice Admiral Adeluis Bordado noong Setyembre, 2022.
Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang nanguna sa Change of Command Ceremony sa Philippine Navy Headquarters sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.
Si Adaci ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 at kasalukuyang pinuno ng Naval Forces Western Mindanao.
Siya ang kauna-unahang pinuno ng Navy na magsisilbi ng tatlong taon sa ilalim ng RA 11709.