
Malaking tulong para sa bansa ang bagong forensic equipment na donasyon ng Ministry of Justice ng Japan ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mapapalakas ng mga kagamitang ito ang kakayahan ng Pilipinas na itaguyod ang hustisya at karapatang-pantao, kasabay ng isinusulong na transparency, accountability, at paggalang sa dignidad ng tao ng administrasyong Marcos.
Ani Bersamin, ang mga ipinagkaloob na autopsy instruments sa University of the Philippines Manila (UPM) ay hindi lamang simpleng technical upgrade, kundi simbolo rin ng malasakit at pagpapahalaga sa bawat buhay, na kahit sa kamatayan, dapat manaig ang dignidad at katotohanan.
Kabilang sa mga donasyon ang mortuary refrigerators, autopsy carts, at body scales na bahagi ng “Institutional Investigation of Custodial Deaths Project” ng Japan.









