BAGONG GAMIT | QCPD, BINIGYAN NG MGA BARIL AT SASAKYAN

Quezon city – Pormal nang ipinasakamay ng Quezon City Government ang mga bagong baril at mga sasakyan sa Quezon City Police District (QCPD) bilang bahagi ng tulong sa pagpapalakas sa Anti-criminality campaign sa pinakamalaking lungsod sa National Capital Region (NCR).

Sa isinagawang turn-over, tinanggap ni District Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel ang 1,250 na piraso ng Taurus pistols
at anim na Mitsubishi Montero.

Kasabay na rin ito ng pagbisita at pagbibigay galang kay Mayor Herbert Bautista ng bagong District Director.


Ito ay bahagi ng layunin ni Mayor Bautista na makumpleto ang kagamitan ng QCPD para sa mga operasyon laban sa kriminalidad, pangunahin na sa war on drugs ng Duterte administration.

Kabilang di sa dumalo sa ceremonial turn-over sina PNP Police Director General Oscar Albayalde at NCRPO Director Camilo Pancratius Cascolan.

Facebook Comments