Bagong Gawang Tulay sa Quirino Province, Bukas na sa mga Motorista

30

Cauayan City, Isabela-Binuksan na sa mga motorista ang bagong gawang Angad Bridge sa Villa Santiago, Aglipay, Cajel at Ganano Bridge sa Cajel, Diffun sa lalawigan ng Quirino.

Pinangunahan ni Governor Dax Cua ang inaguarasyon sa bagong tulay matapos ang ginawang road widening projects sa dalawang bayan.


Sinabi ni Gov. Cua na layunin ng nasabing proyekto ay upang maging maginhawa at mas ligtas na paglalakbay ang mga motorista na dadaan sa lugar.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Secretary Mark Villar sa patuloy na pagtulong sa lalawigan.

Inaasahan namang mas marami pan proyektong pang-imprastraktura ang magagawa sa naturang lalawigan.

Facebook Comments