Bagong girlfriend ng aktor na si Joseph Marco, kilalanin!

186
Courtesy: Joseph Marco Instagram

Nakatagpo ng bagong pag-ibig ang aktor na si Joseph Marco sa Russian model na si Dasha Romanova.


Kahapon ay ipinakilala na ni Joseph si Dasha bilang kaniyang girlfriend na “missing piece” raw sa kaniyang buhay.

Sa mga picture na ipinost ng aktor sa kanyang Instagram, tila patay na patay si Joseph sa nobya, base sa mga sweet photos.

May kuha pa sila sa loob ng kotse na hinalikan ang isa’t isa at mga picture na magkahawak kamay.

Say ni Joseph, gusto niyang laging magkasama sila ni Dasha.

Tila nito lang quarantine nagkagustuhan sina Marco at Dasha dahil March ay karelasyon pa ng aktor si Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi.

Facebook Comments