Bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, papangalanan na

160

Manila, Philippines – Anumang araw mula ngayon posible ng pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa taunang pagpupulong ng Asian Development Bank sa Yokohama sa bansang Japan.

Ayon kay Dominguez, kabilang sa mga pangalan na posibleng pumalit kay BSP Governor Amando Tetangco ang kanyang dalawang deputy na sina Nestor Espenilla at Diwa Guinigundo.

Gayundin sina dating Monetary Board Member Peter Favila at ang kilalang banker na si Antonio Moncupa.

DZXL558

Facebook Comments