Wala ng buhay ng matagpuan ang magpinsan matapos malunod sa isang ilog sa Aleosan North Cotabato.
Sinasabing nagmula sa kanilang graduation ang magpinsang sina Loida at Jerald Calibayan kapwa mga nagtapos sa Grade 10 at mga residente ng Brgy. Pentil Aleosan ng mapagdesisyunang maligo sa ilog .
Hindi matiyak kung ano ang dahilan ng pagkalunod ng dalawa pero sinasabing may kalaliman ang ilog na kanilang pinaliguan.
Bumuhos na lamang ang pagkalungkot ng mga kaklase , kaibigan at mga kapamilya ng dalawa na sinasabing may malawak pang pangarap sa buhay.
Samantala, nasunog kagabi ang function hall ng Datu Dalandag National High School Annex sa Pikit North Cotabato na gagamitin sana ngayong umaga sa gagawing moving up ceremony.
Sa panayam ng DXMY kay FIns Gregorio Bueno, hepe ng BFP Pikit, sinasabing nagsimula ang sunog sa CR na may nakaimbak na mga gamit, agad aniyang kumalat ang apoy at dirediretso sa function hall.
Mabilis namang nagresponde ang BFP resulta ng pagkakaapula sa sunog. Tinatayang nasa mahigit kumulang sa 500K ang danyos ng mga naari ariang nasunog sa eskwelahan.
Hindi pa batid kung ano ang magiging plano ng paaralan sa nakatakdang aktibidad.
Ikinalungkot naman ng mga magulang, istudyante maging ng mga guro ang nangyaring insidente.
Google Pic