Sports – Nakatakdang ilunsad ang malawakang Grass Roots Basketball League na Maharlika Pilipinas Basketball League kitatampukan ng mga ibat ibang Barangay sa bansa.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Maharlika Pilipinas Basketball League Commissioner Snow Badua mahalaga ang naturang paglulunsad ng bagong kupunan ng palakasan upang maiwasan ang mga kabataan na mapalulong sa mga ipinagbabawal na gamot.
Kabilang sa mga dumalo sa Presscon ay sina dating PBA Player Allan Caidic at Zaldy Realubid kung saan inaasahan din darating ang Founder ng naturang Liga ang pambansang kamao na si Senator Manny Pacman Pacquiao.
Paliwanag ni Commissioner Badua ang MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League ay pipiliin sa bawat Brgy. ang mga magagaling na mga manlalaro pagkatapos ay sasailalim sa masusing pagsasanay upang malaman kung kwalipikado ang isang manlalaro na mapabilang sa MPBL katulad ng Philippine Basketball League na kukuha mula sa ibat ibang Unibersidad sa bansa.
Ang MPBL ay binuo sa inspirasyon ni Pacauiao para sa mga kabataang mahilig sa Basketball na bukas sa lahat ng mga Pilipino na bibigyan ng pagkakataon na lahat ay sumikat sa larangan ng Basketball.
Dagdag pa ni Badua napakahalaga umano ito sa mga mahihilig sa Basketball dahil wala ng paboritismo at pulitika dahil mula sa kanti hanggang sa hard court ang kanilang gagabayan ang mga kabataang mahilig sa Basketball na papasinayaan sa September 23.