Bagong guidance sa paggamit ng AstraZeneca vaccines, inaasahang ilalabas ngayong linggo – FDA

Inaasahang makakabuo ang Food and Drug Administration (FDA) ngayong linggo ng bagong guidance para sa paggamit ng AstraZeneca vaccines.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nagpulong na ang National Adverse Events Following Immunization Committee hinggil dito.

Handa ring magsumite ng kanilang rekomendasyon ang Vaccine Experts Panel at ang World Health Organization (WHO).


Kailangang lamang aniya na pagsama-samahin ang mga rekomendasyon para sa bubuoing guidance.

Iginiit ni Domingo, hindi ihihinto ang paggamit ng AstraZeneca, kailangan lamang ng bagong guidance para malaman ang tamang paggamit nito.

Nabatid na sinuspinde ang paggamit ng AstraZeneca sa mga indibiduwal may edad 60-anyos pababa dahil sa mga kaso ng pamumuo ng dugo o blood clot na may mababang platelent sa mga naturukan ng bakuna.

Facebook Comments