Bagong guidelines para matulungan ang mga OFW na may kinakaharap na kaso abroad, inilabas ng DFA

Manila, Philippines – Inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong guidelines para matulungan ang mga OFW na may kaso sa ibang bansa.

Sa datos ng DFA, nasa higit 18,000 pinoy ang kasalukuyang nakakulong sa ibang bansa kung saan 71 rito ay nasa death row.

Sinabi ni DFA Usec. Jose Luis Montales – sa ilalim nito, maari nang bigyan ng tulong legal ang mga OFW kahit pa iniimbestigahan pa lamang ang kaso.


Ayon kay Migrante International Spokesperson Armad Hernando – ang kawalan ng abogado sa oras ng pagkakaaresto sa mga OFW ang isa sa mga dahilan kung bakit tagilid ang kanilang kaso sa korte.

Kasabay nito, tinaasan na rin ng kongreso ang budget para sa legal assistance fund at pondo para sa assistance to nationals.

Samantala, sarado ang lahat ng DFA consular offices sa December 25, 26 at 30 maging sa January 1 at 2, 2018.

Ipinaalala ng DFA sa passport applicants na magtungo sa kanilang tanggapan bago mag-holiday season.

Facebook Comments