BAGONG GUIDELINES SA MGA PAPASOK SA BAYAN NG MAPANDAN, INILABAS NG LGU BILANG PAG-IINGAT SA DELTA VARIANT

MAPANDAN, PANGASINAN – NAGLABAS ang LGU Mapandan ng pinakabagong guidelines nito para sa mga uuwi ng bayan kasabay ng pagdedeklara sa NCR+ Bubble at ilang probinsya sa bansa sa ECQ bilang pag-iingat sa Delta Variant.

Sa EXECUTIVE ORDER NO. 017 Series of 2021 na pirmado ng alkalde na lahat ng papasok at palabas ng Pangasinan ay kinakailangan na magpakita ng Travel Coordination Permit (TCP) sa pamamagitan ng S-PASS website para maiwasan ang delay sa kani kanilang pupuntahan bayan o siyudad ngunit bago pa nito ay dapat din umanong nakahanda ang ilang dokumento gaya na lamang ng Valid ID o Government-Issued Identification Card o Travel Order at travel itinerary para sa government APORs at para sa Non-Government APOR’S ay ang Valid ID or Government-Issued Identification Card o Travel Order
Para naman sa returning residents ay kinakailangan ng Valid ID or Government-Issued Identification Card para sa Proof of residency; para naman sa Tourist ay kailangan mag rehistro sa TaraNa QR Code o Pangasinan.tarana.ph, Valid ID or Government-Issued Identification Card at kasabay nga ng umusbong na new variant Delta, kinakailangan na ding makipag koordinasyon sa barangay na pupuntahan o ang Barangay Acceptance na kung saan malaki ang magiging papel ng barangay na magmomonitor sa kalagayan ng uuwi sa bayan.

Samantala, ang mahuhuli namang nagpepeke ng kanilang S-PaSS Permits at iba pang dokumento ng mga ito ay maaaring kasuhan ng criminal action at iba pang kaso depende sa mapapatunayang kasalanan.


Mangunguna naman sa pagbabantay sa border checkpoint ay ang at ang mga DILG contact tracers/Drop-point staff ay i-assigned para magberepika ng S-Pass, TCP at TPP documents.

Facebook Comments