BAGONG GUIDELINES | Unang araw ng Oplan Tokhang ng PNP, naging mapayapa

Manila, Philippines – Naging payapa ang unang araw ng pagbabalik ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde, ito’y dahil sa bagong guidelines sa Oplan Tokhang.

Aniya, sinamahan ang mga pulis ng mga miyembro ng religious groups, human rights group, at media sa kanilang mga operasyon.


Sinabi naman ni Chief Superintendent Reynaldo Guban Biay, direktor ng Eastern Police District, bawal na ang puwersahang pagpasok sa bahay ng mga hinihinalang user at pusher ng droga.

Isasagawa ang tokhang mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Paliwanag ng PNP, kapag tumangging sumuko ang mga nasa watch list, iaalerto nila ang local drug enforcement units para simulan ang case build-up at maaaring maging target ng drug operation ang nasa watch list.

Facebook Comments