Bagong gumaling sa COVID-19, umabot na sa higit 10,000 ayon sa DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 10,858 na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

10,036 naman ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang 96 ang bagong nasawi

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 105,787 dito ang aktibong kaso.


Sa ngayon, umabot na sa 1,765,675 ang kabuuang kaso sa bansa, 1,629,426 ang mga gumaling, at 30,462 ang mga nasawi.

Facebook Comments