Pormal nang binuksan ang bagong gusali ng Bayambang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa kampanya para sa wastong nutrisyon at kalusugan ng mamamayan.
Dahil dito, ginawang mas accessible ang mga serbisyo at programa ng munisipyo para sa nutrisyon para sa mga residente mula pa sa malalayong barangay.
Ayon sa Municipal Nutrition Action Office, kabilang sa mga programang maaaring ipatupad sa pasilidad ay ang community feeding, nutrition education seminars, at pamamahagi ng libreng nutritional supplements
Mula naman sa National Nutrition Council Region 1, gagawing standard ang gusali sa maayos at maaliwalas na itatayong mga Nutrition Offices sa rehiyon.
Matatagpuan ang bagong Nutrition Action Office sa ground floor ng ECCD Bldg. sa Magsaysay Street habang magsisilbi namang extension office ng Bids and Awards Committee ang pinagmulang opisina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









