
Pinangunahan ng Department of Education, Department of Public Works and Highways at lokal na pamahalaan ng Marikina ang groundbreaking para sa itataguyod na limang palapag na academic building ng Marikina Science High School o MariSci.
Ang bagong gusali ay maglalaman ng 32 silid-aralan at apat na specialized workshop rooms.
Malaking tulong ito para sa MariSci na sa loob ng dalawang dekada ay nakikibahagi lamang ng mga pasilidad sa Marikina Polytechnic College sa ilalim ng isang kasunduan sa DepEd.
Ang bagong gusali ay magbibigay sa paaralan ng isang permanenteng lugar upang lalong mapahusay ang pag-aaral at pagsasaliksik na magpapatibay sa reputasyon ng nasabing eskwelahan bilang isang nangungunang science high school sa lungsod ng Marikina.
Facebook Comments