Bagong hakbang ng pamahalaan kontra terorismo, dapat suportahan ng mga sundalo ng Agusan del Sur — PBBM

Umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga sundalo ng Agusan del Sur na suportahan ang mga programa ng gobyerno para sa mga rebeldeng nais magbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Marcos, may bagong paraan ang pamahalaan sa pagharap sa problema sa insurgency sa bansa.

Halimbawa nito ang pamimigay ng livelihood programs, pabahay, at lupa.


Dagdag pa ng pangulo, dapat maging instrumento ng kapayapaan ang mga sundalo habang nilalabanan ang mga nagbabanta sa kapayapaan at demokrasya.

Tiniyak din ang patuloy na suporta ng administrasyon Marcos sa kapakanan mga sundalo at pamilya nito, gayundin ang pagpapatuloy sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan.

Facebook Comments