Bagong hakbang sa pagkontrol ng hawaan sa COVID-19, inilatag ng DOH

Bumubuo na ng rekomendasyon ang Department of Health (DOH) na layong makontrol ang pagdami pa ng mga nahahawa sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Mariao Rosario Vergeire, tinatawag nila itong re-strategizing na layong paigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan para makontrol ang pagtaas ng kaso ng virus.

Tiniyak naman ni Vergeire na kakaunting pag-aaral at protocols na lamang ay maisasapinal na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-apruba sa panibagong estratehiya.


Katuwang din ng DOH sa programa ang Data Analytics Group ng IATF at iba’t ibang goverment agencies at ecomomic cluster.

Facebook Comments