
Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Las Piñas City.
Pinangunahan ni First Lady of the Philippines, Atty. Liza Araneta-Marcos ang oath-taking na nagsilbing espesyal rin na panauhin.
Kabilang sa mga nanumpa sa kani-kanilang tungkulin sina City Mayor April Aguilar, Vice-Mayor Imelda T. Aguilar, at Congressman Mark Anthony Santos ng lone district ng Las Piñas.
Kasama rin sa mga nanumpa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 1 at District 2 kabilang ang nangunang Konsehal ng Las Piñas City na si Councilor Alelee Aguilar Andanar.
Pinasalamatan naman ni Mayor April Aguilar ang Las Piñeros at nangakong magseserbisyo nang transparent at may malasakit.
Kasunod nito, tinurn-over naman ang isang Patient Transport Vehicle (PTV) at ang pitong Starlink kits na ipamamahagi sa mga pampublikong eskwelahan upang mapagbuti ang parehong emergency response at internet connectivity ng lungsod.









