Nais pang patatagin ng Taiwan ang ugnayan nito sa Pilipinas pagdating sa ekonomiya at people to people ties.
Ayon sa bagong halal na Pangulo ng Taiwan na si President Lai Ching-te, suportado nito ang mga hakbang pagdating sa kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Taiwan president kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na una ng binati ito sa pagkakapanalo sa halalan.
Sinabi ni Lai na lubos niyang pinahahalagahan ang pagkakaibigan ng Taiwan at Pilipinas.
Samantala, ang pahayag naman na ito ni President Lai ay kasunod ng sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa ito sa mas maigting pang kolaborasyon at pinalakas na mutual interest sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas sa mga susunod pang taon.
Facebook Comments