
Cauayan City – Isinagawa ng DILG Region II ang final inspection ng proyektong hanging bridge sa Barangay Anonang, Cordon, Isabela, sa ilalim ng 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund.
Layunin nitong tiyakin ang kalidad at maayos na implementasyon ng proyekto para sa kapakinabangan ng mga residente.
Pinangunahan ni Engr. Patrick Bete, Jr. ng DILG-RPDMU ang masusing pagsusuri sa istruktura, kabilang ang mga materyales at sukat ng tulay. Kasama sa inspeksyon ang mga opisyal mula sa DILG-Isabela at lokal na pamahalaan ng Cordon.
Nagpasalamat si MLGOO Judith Malab sa suporta ng LGU, habang binigyang-diin ni Mayor Florenz Zuniega ang kahalagahan ng tulay sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Ayon kay Mayor Zuniega, ang tulay ay hindi lamang koneksyon ng lugar kundi simbolo rin ng progreso para sa kanyang mga kababayan.









