Nagbabala si Pasay Police Chief Col. Cesar Paday-os sa kanyang mga tauhan na masasangkot sa anumang uri ng katiwalian sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Paday-os sa kanyang pag-upo bilang Chief of Police (COP) ng Pasay, priority niya ang pagsugpo sa iligal na droga, terorismo, pagkumpiska sa mga iligal na armas at ang proteksyon sa mga pulis laban sa COVID-19
Aniya, mahigpit niyang bilin sa kanyang station commanders at mga tauhan nito na ituloy lang ang pagtupad sa kanilang tungkulin at iwasang masangkot sa iligal na droga.
Nagpapatuloy rin ang random drug test sa mga tauhan ng Pasay Police bilang bahagi ng internal cleansing sa hanay ng PNP.
Araw-araw rin niyang binibisita ang Police Community Precincts (PCP) para i-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Tinututukan din ng Pasay COP ang Baclaran area sa harap ng patuloy na pagdagsa ng mga mamimili.