BAGONG HEPE SA LIMANG HIMPILAN NG PULIS SA PANGASINAN, PORMAL NA IPINAKILALA SA TURNOVER CEREMONY

Maayos ang naging paglilipat ng tungkulin bilang officer-in-charge sa limang himpilan ng kapulisan sa lalawigan na pinangunahan ng mga opisyal mula sa Pangasinan Police Provincial Office.

Binibigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng maayos na transisyon ng pamumuno, propesyonalismo, at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko.

Kabilang sa mga itinalaga sa pwesto sina PLTCOL Quintin T. Casavar Jr. sa Calasiao Municipal Police Station; PMAJ Ramsey Ganaban sa Laoac ; PMAJ Napoleon Eleccion Jr. sa Pozorrubio; PMAJ Jordan Tomas sa Bani; at PCPT Joseph Inay sa San Quintin Municipal Police Station.

Kinilala at ginawaran naman ng parangal ang mga papalitang pinuno bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo at kontribusyon habang tinanggap naman ng mga itinalaga ang kanilang tungkulin sa simbolikong turnover ng office symbol, mga ari-arian, at inventory book ng himpilan.

Tiniyak ng Pangasinan PPO ang patuloy na epektibong pagseserbisyo publiko kasunod ng balasahan sa pamumuno ng bawat himpilan sa lalawigan para sa anumang pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments