BAGONG HOUSE SPEAKER | Grupong Karapatan, binatikos ang pagkakahirang kay dating Pangulong Gloria Arroyo

Manila, Philippines – Ikinagalit ng Human rights group na Karapatan ang pagkakaluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker.

Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, hindi naging maganda ang naging kalagayan ng human rights sa ilalim noon ng pangasiwaan ni Arroyo.

Sinabi ni Palabay na sa ilalim ng Oplan Bantay laya ni Gloria naganap ang mga kaso ng pagpatay at pagkawala ng mga aktibista.


Wala rin aniyang aasahang pakinabang sa bagong liderato dahil tiyak na mas uunahin ni Arroyo ang interest ng kaniyang mga dating kapanalig na nasa loob na rin ng House of Representative.

Tiyak din aniya na mas magiging prayoridad nito ang mga patakaran na isinusulong ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments