Bagong Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Act, ilalabas na

Manila, Philippines – Ilalabas ngayong araw ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong Implementing Rules and regulations (IRR) ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Sa ilalim ng bagong IRR, pwede nang maglagay ng electronic devices basta’t hindi ito lalagpas ng apat na pulgada, base sukat na dumaan sa konsultasyon ng LTO sa drivers’ association.

Pero paglilinaw ni LTO Chief Edgar Galvante, bawal pa ring gamitin ang mga mobile devices sa panonood ng pelikula, pagte-text at pagtawag.


Hindi rin aniya sakop ng ADDA ang mga dash cam at accessories.

Matatandaang ipinatigil noong Mayo a-23 ang implementasyon ng batas matapos na magdulot ito ng kalituhan sa mga motorista.

Sa ilalim kasi ng naunang batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga electronic at cellular devices sa dashboard at windshield ng sasakyan.

Ngunit makalipas ang ilang araw, nadagdagan ang mga bagay na ipinagbabawal gaya ng paglalagay ng mga accessories, maliliit na santo at rosaryo.

* DZXL558*

Facebook Comments