Bagong Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Act, ilalabas na sa Martes

Manila, Philippines – Ilalabas na sa Martes ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Matatandaang Mayo a-23 nang ipatigil ang implementasyon ng batas matapos na magdulot ito ng kalituhan sa mga motorista.

Sa ilalim kasi ng batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga electronic at cellular devices sa dashboard at windshield ng sasakyan.


Pero makalipas ang ilang araw, nadagdagan ang mga bagay na ipinagbabawal gaya ng paglalagay ng mga accessories, maliliit na santo at rosaryo.

Samantala, sa ilalim ng bagong IRR, pwede nang maglagay ng electronic devices basta’t hindi ito lalagpas ng apat na pulgada, sukat na dumaan sa konsultasyon ng lto sa drivers’ association.

Pero paglilinaw ni LTO Chief Edgar Galvante – bawal pa ring gamitin ang mga mobile devices sa panonood ng pelikula, pagte-text at pagtawag.

Hindi rin aniya sakop ng ADDA ang mga dashcam at accessories.

Wala pang petsa kung kelan magsismulang manghuli ng mga lalabag sa Anti-Distracted Driving Act.
DZXL558

Facebook Comments