Bagong insidente ng pagpatay sa isang Filipina domestic worker sa Kuwait, kinondena

Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang patuloy na pag-alipusta at pag-abuso sa mga Filipino domestic workers.

Ito ay kasunod ng patayin ang isang Filipina domestic worker ng kanyang employer sa Kuwait.

Ayon sa DFA, ipinatawag na nila ang Kuwait ambassador para iprotesta ang tila kawalan ng proteksyon sa mga Filipino domestic workers sa kanilang mga amo.


Nananawagan ang DFA ng ‘complete transparency’ sa imbestigasyon sa kaso at pilitin ang Kuwait na siguruhing magkaroon ng mabilis na pagpapanagot sa mga nasa likod nito.

Ang tumataas na pag-abuso sa mga Filipino domestic workers sa Kuwait ay nag-udyok sa gobyerno ng Pilipinas nitong 2018 na magpatupad ng deployment ban.

Binawi ang labor ban matapos magkaroon ng kasunduan kung saan tiniyak ng Kuwait na bibigyang proteksyon ang mga Pilipinong manggagawa sa kanila.

Nabatid na nasa 250,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Kuwait.

Facebook Comments