Bagong istasyon ng PCG sa Pag-asa Island, pinasinayaan

Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook page

Pinasinayaan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bago nitong istasyon sa Pag-asa Island.

Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, ang Coast Guard Station Kalayaan ay magsisilbing “coordinatoin center” sa iba’t ibang ahensya upang mapalakas ang pagbabantay ng PCG sa galaw ng foreign maritime forces at mga posibleng aksidente sa dagat.

Mayroon itong advanced maritime domain awareness technology gaya ng radar, automatic identification, satellite communication, coastal cameras at vessel traffic management.


Umaasa rin ang kalihim na makatutulong ito upang pigilan ang mga agresibong aksyon ng China sa mga barko ng Pilipinas at sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

Facebook Comments