Bagong itinalagang NFA administrator at isa pang opisyal ng NFA, sinuspinde ng Ombudsman

Dalawa pang opisyal ng National Food Authority (NFA) ang sinuspinde ng Office of the Ombudsman.

Isa sa pinatawan ng suspension ang katatalaga pa lang na National Food Authority (NFA) Officer-In-Charge (OIC) Administrator na si Piolito Santos at ang acting Department Manager for Operation and Coordination na si Jonathan Yazon.

Idinawit din ang dalawa sa kwestyunableng pagbenta ng NFA rice buffer stocks sa mga rice traders.


Dahil dito, muling pamamahalaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang NFA.

Itinalaga naman ni Laurel si Director IV Larry Lacson bilang NFA OIC Deputy administrator.

Ang pagtalaga kay Lacson ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa government-owned and controlled corporation.

Ang sinuspindeng si Santos ay itinalaga ng NFA Council noon lamang nakaraang linggo bilang acting administrator matapos masuspendi si NFA Administrator Roderico Bioco at 139 pang opisyal.

Ang NFA ay naatasan na mag-imbak ng national rice buffer stock na humigit-kumulang 300,000 metric tons sa pamamagitan ng pagbili ng bigas mula sa local farmers.

Facebook Comments