BAGONG JOWA? | Andi Eigenmann, may bago na daw boyfriend

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang bago daw karelasyon ng aktres na si Andi Eigenmann.

Bagaman at wala pang direktang pag-amin kung boyfriend na niya ang isang non-showbiz guy naging makahulugan naman ang birthday message nito para sa lalaki na ipinost niya sa instagram.

May ilang article na ring lumabas online na “in a relationship” na si Andi.


Nakilala naman ang bagong boyfriend daw niya na si Philmar Alipayo, tubong-Siargao at kauna-unahang champion ng Philippine surfing championship tour men’s division noong 2017.

Nabatid na masaya daw ang dalawa sa mga oras na magkasama sila at kanila itong ipinapakita sa kani-kanilang social media.

Matatandaan na ang huling naging nobyo ni Andi ay ang modelong si Emilio Arambulo kung saan naghiwalay sila nito lamang buwan ng Hunyo.

Facebook Comments