Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na ng kani-kanilang courtesy resignation ang lahat ng Undersecretaries at Assistant Secretaries ng Department of Justice (DOJ) na kasabay nanungkulan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ito ay matapos na naglabas ng memorandum si Guevarra na nag-aatas sa lahat ng undersecretary at assistant secretary ng DOJ na magsumite na ng kanilang unqualified courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Layon nito na mabigyan ng laya ang bagong Justice Secretary na mamili ng mga Usec at Asec na kanyang makakatrabaho sa DOJ.
Base sa record, mayroong limang Undersecretaries at anim na Assistant Secretaries si dating Justice secretary Vitaliano Aguirre.
Facebook Comments