Bagong kalihim ng Department of Agriculture na si Francisco Tiu Laurel Jr., “right man” para sa posisyon

Tiwala ang ilang senador, na nararapat sa posisyon bilang kalihim ng kagawaran ng agrikultura si Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., matatawag na “right man” para sa nasabing tungkulin si Laurel.

Wala aniyang duda pagdating sa kakayahan at kapabilidad ni Laurel para pangunahan nito ang ahensya tungo sa pagbuhay ng agrikultura at pagkamit ng food security ng bansa.


Tinukoy dito ni Revilla ang ilang dekada na “hands-on experience” ng Secretary sa agricultural sector.

Dagdag pa ni Revilla, ngayong may itinalagang bagong kalihim ay mayroong tututok sa mga pangangailangan at suliranin sa agrikultura gayundin sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Aniya pa, maaari nang ibaling ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang atensyon sa ibang mahahalagang isyu at usapin sa bansa ngayong may kalihim na sa DA.

Facebook Comments