Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senator Gringo Honasan ang pagtanggap niya sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang Department of Information and Communication Technology o DICT.
Sabi ni Honasan, tinanggap niya ang posisyon para sa ikabubuti ng ating bansa, ng pamahalaan, at ng mamamayang Pilipino.
Isinaalang-alang din ni Honasan sa kanyang desisyon ang kinabukasan ng pinakamamahal nating mga kabataan.
Si Honasan ay awtomatikong matatanggal sa pagka-senador kapag siya ay nanumpa na bilang pinuno ng DICT at kapag nakalusot rin sa Commission on Appointments.
Facebook Comments