Bagong kalsada kapalit ng gumuhong Bukidnon-Davao Road, minamadali na ng DPWH

Nagbukas na ng alternatibong daan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos gumuho ang Bukidnon-Davao Road sa Sitio Kipolot, Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon noong October 18.

Ito ay matapos ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pagpapagawa ng hagdan at temporary trail para hindi maantala ang biyahe at kabuhayan ng mga apektadong residente.

Patuloy naman ang pagsusuri at pre-construction activities sa gumuhong parte ng BuDa Road alinsunod na rin sa bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pagsasa-ayos ng gumuhong kalsada.

Kabilang sa isinasagawa ng DPWH engineers at iba pang taughan ang on-going survey at pagsusukat habang nakapwesto na ang mga heavy equipment para sa paglilipat ng plano sa mismong bahagi ng gagawing bagong daan.

Facebook Comments