Natapos na ang konstruksyon ng road elevation sa Barangay Tambac na inaasahang magpapabawas sa matagal nang problema sa pagbaha sa lugar.
Personal na ininspeksyon ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang bagong gawang kalsada kasama ang mga opisyal ng City Engineering Office at barangay.
Ang nasabing proyektong ay bahagi ng “Oplan Sitio,” na isa sa mga pangunahing programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente sa mga komunidad.
Ayon sa alkalde, ang bagong kalsada ay makakatulong hindi lamang sa mas maayos na transportasyon kundi pati na rin sa pagbawas ng pagbaha na karaniwang nararanasan tuwing tag-ulan at panahon ng bagyo.
Nagkakahalaga ng mahigit ₱2 milyon ang naturang proyekto, na itinuturing ng mga residente bilang malaking tulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨