Thursday, March 5, 2026

Bagong Kamuning Footbridge at Busway Station, dapat alagaang mabuti—PBBM

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maayos na mapangalagaan ang bagong Kamuning footbridge at busway station upang patuloy na mapakinabangan ng mga commuter.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos niyang inspeksyunin ang naturang pasilidad na natapos sa loob ng apat na buwan.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapanatiling maayos ang mga inilagay na pasilidad dahil itinayo ang mga ito para mapagaan ang biyahe ng publiko.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang elevator sa istasyon na kailangang tiyaking laging maayos ang kondisyon at gumagana.

Heavy-duty aniya ang inilagay na elevator sa MRT Kamuning at busway station dahil inaasahang tuloy-tuloy ang paggamit dito ng mga commuter.

Facebook Comments