Nagpahayag ng kagustuhan si new Kapuso star Kiray Celis na makatrabaho si Michael V.
Sa contract signing nito sa GMA Network, sinabi ni Kiray na pangarap talaga niyang makatrabaho si Bitoy.
Bukod kasi sa magaling itong komedyante, lahat aniya ay kaya nitong gawin tulad ng pagsusulat, pagbuo ng ideya at pag-arte.
Si Bitoy aniya ang nais niyang tularan.
Ayon pa kay Kiray, kahit mag-guest lang siya sa Bubble Gang ay masaya na siya, dahil kadalasan, nakikita niya lang si Bitoy sa mga awards night ng mga gag shows.
Facebook Comments