Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Pilipinas para sa paghahain ng bagong kaso laban sa China kaugnay sa massive coral harvesting na nadiskubre sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mayroon na silang close coordination sa Office of the Executive Secretary upang palakasin ang pagsasampa ng legal petition sa International Arbitral Tribunal.
Kabilang sa mga gagamitin na ebidensya ng gobyerno ng Pilipinas ay ang mga litrato ng mga Chinese maritime militia upang palakasin ang akusasyon na sila ang responsable sa pagkasira ng corals.
Naniniwala si Remulla na ang pagwasak sa corals ay paraan ng China para magpatayo ng isang artificial island sa WPS.
Samantala, wala pang ibinigay na eksaktong petsa at oras ang kalihim kung kailan isasampa ang panibagong kaso laban sa pamahalaan ng China.