Bagong kaso ng ASF sa QC, kumpirmado

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na may bagong kaso ng African swine fever (ASF) sa Quezon City.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, natanggap na nila ang resulta ng pagsusuri noong weekend at nagpositibo ang Barangay Tatalon, Quezon City sa ASF.

Tatlong lugar na sa Quezon City ang timamaan ng nasabing virus at ito ay Barangay Bagong Silangan, Payatas at Tatalon.


Hinala ng DA sa Payatas at Barangay Bagong Silangan posibleng nanggaling ang virus pero hindi pa nila matiyak kung paano ito nakalusot.

Facebook Comments