Bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), 2,218 lamang ang bagong COVID-19 cases ngayon sa bansa.
Sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay 226,440 kung saan ang active cases ay 64,207.
609 naman ang bagong gumaling sa nasabing sakit kaya ang total recoveries ngayon ay 158,610.
Habang 27 ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,623.
Samantala, patuloy rin na bumababa ang bilang ng mga Pinoy na nai-infect ng nasabing virus sa abroad.
10 lamang ang bagong kaso ngayon sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat kaya ang total cases sa ngayon ay 10,096.
Sa nasabing bilang, 3,162 ang active cases.
3 namang mga Pinoy ang panibagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 6,177.
Habang 2 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 757.