Bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw, nasa 2,000 na lang pagsapit ng Nobyembre – OCTA

Bumaba na sa 4,848 ang seven-day average ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng OCTA Research Group, naitala ito noong October 20 hanggang 26 na mas mababa sa 6,909 na naitala noong October 13 hanggang 19.

Ito na ang pinakamababang seven-day average na naitala simula noong Marso.


Ayon sa OCTA, kung tinitingnan ang trend ng COVID-19 sa bansa ay posibleng bumulusok pa ito sa 2,000 pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.

Samantala, nasa 0.52 na lamang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments