*Cauayan City, Isabela- *Patuloy na bumaba ang bilang ng bagong positibong kaso ng COVID-19 na naitatala sa Isabela.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, Pebrero 24 2021, labing walo (18) na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa probinsya habang dalawampu’t dalawa naman ang bagong gumaling.
Mula sa 18 new COVID-19 Casess, ang siyam (9) ay naitala sa Santiago City; tatlo (3) sa City of Ilagan; dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan at bayan ng Jones; at tig-isa (1) sa bayan ng Cabatuan at Naguilian.
Kaugnay nito, nasa 4,664 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa probinsya habang umaabot naman sa 5,105 ang naitalang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 343 na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya at 99 na nasawi.
Pinakamarami pa rin sa natitirang aktibong kaso ang Local Transmission na may 301; labing tatlo (13) na pulis, dalawampu’t apat (24) na health workers at limang (5) Locally Stranded Individuals o LSIs.
Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon,