Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang 17 bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kanilang naitala sa loob lamang ng isang araw.
Batay sa kanilang pinakabagong tala, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay mula sa Barangay Addition Hills na may limang bagong kaso ng virus at tig-dalawa naman sa Barangka Itaas at New Zaniga, Vergara.
Habang meron naman tig-isang bagong pasyente ng COVID-19 ang Barangay Bagong Silang, Barangka Ibaba, Hagdang Bato Libis, Highway Hills, Hulo at Poblacion.
Nananatili naman ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na 54 at umabot naman sa 236 ang mga nakarekober mula sa sakit na dulot ng COVID-19.
Nasa 1,486 ang kabuuang bilang ng suspected cases at 437 ang probable cases sa Mandaluyong City.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, patuloy ang pagtaas ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod dahil sa pinaigting nilang mass testing sa suspected cases.