Bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, umabot sa 82 – OCTA

Umabot sa 82 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila kahapon.

Sa kasalukuyan, ito na ang rehiyon na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nangunguna rito ang lungsod ng Maynila na may 14 na kaso at sinundan naman ito ng; Caloocan, na may 13 na kaso; Pasay, 12; at Quezon City, na may 11.


Nakapagtala rin ng isa hanggang pito bagong kaso ang Paranaque, Makati, Malabon, Pasig, Taguig, Las Pinas, Valenzuela, at Marikina.

Dagdag pa ni David, nakapagtala rin ang Batangas ng 16 na bagong kaso at sinundan ito ng Pampanga at South Cotabato na may tig-15 na bagong kaso ng COVID-19.

Samantala, pumapangalawa naman ang lalawigan ng Cebu sa may pinakamaraming kaso sa bansa.

Facebook Comments