Bagong Kaso ng Tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, Malaki ang Ibinaba

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa labing tatlo (13) ang naitalang bagong kaso ng tinamaan ng COVID-19 na naiulat mula sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Hunyo 28, 2021, umaabot na lamang sa 903 ang bilang ng COVID-19 sa probinsya matapos gumaling ang 53 na kinapitan ng virus.

Mayroon namang isa (1) na naitala ang probinsya na namatay dahil sa COVID-19.


Nasa 829 na rin ang bilang ng mga binawian ng buhay na nagpositibo sa Coronavirus samantalang tumaas sa 25,192 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 26,924 total cumulative cases ng COVID-19 ang Isabela.

Facebook Comments