Thursday, February 19, 2026

BAGONG KIDS PLAYGROUND SA SAN CARLOS CITY, MALAPIT NANG BUKSAN

Malapit nang maging bagong sentro ng kasiyahan at pampamilyang aktibidad ang isa sa pinakamodernong kids playground facilities sa lalawigan, na itinatayo sa FPJ Esplanade Park sa Barangay Bocboc, San Carlos City.

Dinisenyo ang pasilidad upang maging ligtas, makabago, at kaaya-ayang lugar para sa mga bata at kanilang pamilya. Tampok dito ang iba’t ibang playground equipment tulad ng slides, swings, climbing structures, at iba pang interactive play features na makatutulong sa pisikal at sosyal na pag-unlad ng mga bata.

Bukod sa play area, may inilagay ring outdoor exercise equipment para sa mga kabataan at matatanda na nais mag-ehersisyo, gayundin ang mga park benches at bukas na espasyo na maaaring pagdausan ng bonding ng pamilya at kaibigan.

Inaasahang makatutulong ang bagong pasilidad sa pagsusulong ng aktibong pamumuhay at pagpapalakas ng ugnayan ng komunidad. Kapag tuluyan nang nabuksan sa publiko, ito ay magiging karagdagang atraksyon ng lungsod at ligtas na lugar para sa libangan at pagpapahinga ng mga residente at bisita.

Facebook Comments