Bagong kilalang hinihinalaang drug pusher, timbog sa Morong, Rizal

49

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) ang tinaguriang bagong hinihinalaang drug pusher makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Maybancal, Morong, Rizal.

Kinilala ni RPPO Regional Director Joseph P.Col Arguelles ang suspek na si Rey Eleazar Umadhay Gallardo alyas “Rere” at bagong kilalang di umano’y drug pusher.


Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/ Provincial Drug Enforcement Unit at ng Rizal Provincial Police Office sa pangunguna ni PLt. Jackson A. Aguyen sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagkaka-aresto sa naturang suspek.

Narekober kay Umadhay ang 7 pirasong transparent plastic sachet, isang pirasong coin purse, 1 digital weighing scale, P500 na ginamit bilang marked money at 4 na pirasong tig-P100 na pera ng suspek.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments