Bagong kinatawan ng Ako Bicol Party-list kapalit ni Zaldy Co, ipinroklama na ng Comelec

Opisyal nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) si Jan Franz Chan bilang bagong kinatawan ng Ako Bicol Party-List.

Si Chan na ikatlong nominee ang kapalit ng nagbitiw na first nominee na si Zaldy Co na idinadawit sa maanomalyang flood control projects.

Sa kabila nito, bigong makapasok si Chan bilang kinatawan nitong 2025 midterm elections dahil dalawang seats lamang ang napanalunan ng party-list noong halalan.

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang proklamasyon kasama ang iba pang Commissioners ng poll body na isinagawa sa session hall ng main office.

Facebook Comments